Chapter 16
Chapter 16
KUMABOG ang dibdib ni Selena nang malayo pa lang ay natanaw niya na ang sasakyan ng ama
malapit sa lupaing binili nila ni Dean. Nakatayo ang ama sa tabi ng sasakyan nito kasama ang dalawa
pang mga tauhan nito. God…
“Mama, bumalik po tayo.” Natatarantang wika ni Selena sa driver. Gabi na at wala siyang alam na iba
pang mapupuntahan pero bahala na. “Lumayo na po tayo rito. Pakibilisan po, utang na loob.”
Nagtataka man ay sumunod pa rin ang driver. Nanginginig ang mga daliring kinuha ni Selena ang cell
phone niya at idinayal ang numero ng asawa pero ring lang ng ring ang cell phone nito. Nagsimulang
mag-init ang mga mata niya nang sa wakas ay tigilan ang pagtawag rito. Muli niyang ibinalik sa
kanyang bag ang cell phone. Napuno ng mga alalahanin ang isip niya. Nasaan na ang kanyang mag- Têxt © NôvelDrama.Org.
ama? Ano na ang nangyari sa mga ito?
Nag-aalalang binalingan ni Selena ang nakatulog nang anak. Saan na sila pupunta ngayong mag-ina?
Parehong nasa malayong lugar ang mga kaibigan niya. Si Lilian ay bumalik na sa Amerika kasama ng
fiancé nito habang si Chynna ay nasa kung saang bahagi rin ng Pilipinas para sa shooting nito.
“Selena, get out of the cab now!”
Nanlamig si Selena nang marinig ang malakas na boses na iyon na halos isa’t kalahating taon niya ring
hindi narinig. Dahan-dahan siyang lumingon sa bintana sa gawi niya. Ganoon na lang ang panlalaki ng
kanyang mga mata nang makita ang kotse ng ama na humahabol sa taxi na sinasakyan niya.
Bukas ang bintana sa gawi ng ama kaya kitang-kita niya ito. At galit na galit ang anyo nito.
“Manong, pakibilisan nyo po, parang awa nyo na!” Halos pasigaw nang wika ni Selena sa driver.
Sumunod naman ang driver. Binilisan nga nito ang pagmamaneho pero wala na ring nangyari. Dahil
hinarang na sila ng kotse ng kanyang ama.
Mabilis namang bumaba ng kotse si Selena kalong pa rin ang nagising na niyang anak. Nagsimula
itong umiyak. “Sweetheart, not now, please.” Basag ang boses na bulong niya habang tumatakbo sa
kalsada palayo sa ama at sa mga tauhan nito na humahabol na rin sa kanya.
She had never felt that helpless. Para siyang mababaliw. Ang alam niya lang ay kailangan niyang
gawin ang lahat para makalayo kahit gaano pa kaimposible ang bagay na iyon. Dahil natatakot siya na
muling ikulong ng sariling ama. At sa oras na muli niya pang maranasan iyon ay hindi niya na alam
kung makakayanan niya pa.
Dean, nasaan ka na ba? Tensyonadong naisaloob ni Selena. Sumabay sa pag-iyak ng anak ang pag-
agos ng kanyang mga luha. Nanlalabo na rin ang kanyang mga mata pero patuloy pa rin siya sa
pagtakbo.
Muling narinig ni Selena ang pagsigaw ng ama. Sandali siyang napatitig sa kanyang anak nang
magsimula na itong magkakawag pero hindi siya huminto sa pagtakbo sa kabila ng tumitinding
kapaguran. “Pasensya ka na, anak. Hindi ko gustong pagdaanan mo ito. Hindi ko gustong pagdaanan
nyo ito. But God… I can’t do anything to stop this-” Hindi na natapos pa ni Selena ang mga sasabihin
nang bigla na lang niyang naramdaman ang para bang paghagis ng kanyang katawan sa kung saan
kasabay niyon ay ang pag-alipin ng hindi maipaliwanag sakit sa buong sistema niya.
Pakiramdam ni Selena ay dinudurog siya mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang mga paa. Pero
agad ring napalitan ng kung anong pamamanhid ang pakiramdam niya. Tulalang napatitig siya sa
kalangitan. Madilim iyon. Pero siguro ay wala nang makatatalo pa sa kadilimang bumabalot sa kanya
nang mga sandaling iyon. Wala siyang maramdaman. May mga mukha siyang nakikita sa kanyang
harapan. May mga naririnig siya pero hindi na iyon pumapasok pa sa isipan niya.
Mayamaya ay pumatak ang mga luha ni Selena bago niya unti-unting ipinikit ang mahapdi nang mga
mata.
PINAHID ni Dean ang tumulong dugo mula sa kanyang ilong dala ng malakas na pagkakasuntok sa
kanya ng kapatid. Nag-eempake siya ng mga gamit nilang mag-anak nang dumating ito. At gaya ng
inaasahan niya ay wala itong inaksayang panahon para makaganti sa kanya.
“Mang-aagaw ka! You are just like your mother, you son of a bitch-“
Nahinto sa pagsasalita si Adam nang sa kauna-unahang pagkakataon ay gumanti si Dean ng suntok
rito. Nakahanda siya na tanggapin ang lahat ng suntok ng kapatid dahil aminado siya na nagkasala
siya rito. Pero ang idamay pa nito pati ang nananahimik niya nang ina ay ibang usapan na.
Sandaling natigilan si Adam bago muling sinugod si Dean at muli rin siyang lumaban. Strange.
Pagkatapos pa ng ilang suntok at sipa ng kapatid ay saka lang siya mas nakaramdam ng kapaguran…
kapaguran na manatiling tumatanggap na lang ng pananakit nito. Pagod na siyang manahimik. Pagod
na siyang hindi lumaban.
“Bakit hindi mo pa aminin? This isn’t just about Selena choosing me. It was more than that, Adam. It
had always been more than that. May iba pang dahilan kaya ka nagkakaganyan sa akin mula noon
hanggang ngayon.” Mapaklang wika ni Dean. Nalalasahan niya na ang dugo mula sa pumutok niya
nang mga labi.
“This is for being the cause of dad’s accident,” Sa halip ay sumisigaw pa ring wika ni Adam bago
muling tumama sa panga ni Dean ang kamao nito. “And this is for taking away the very first woman I’ve
ever loved!”
Bumagsak si Dean nang sikmuraan siya ng kapatid. Pero para bang hindi pa ito nakuntento sa sinapit
niya. Muli itong umatake. Pero nagawa nang makabwelo ni Dean. Dinaganan niya ang kapatid at siya
naman ang sunod-sunod na sumuntok rito. Sa bawat suntok ay katumbas ng lahat ng sakit at
paghihirap na naipon sa dibdib niya dahil rito at sa ina nito.
“This is for my heart.” Ani Dean nang suntukin rin ang kapatid sa panga. “And this is for the woman we
both love that got you and your mother even greedier. Para ito sa pagiging makasarili nyo dahil alam
nyong mapapasaya ko siya pero ayaw nyo kaming hayaang dalawa. I have given you several chances
before, Adam. Pero anong ginawa mo? Paulit-ulit mong binalewala si Selena. And may this serve as a
lesson to you, Adam. When you love someone, don’t ever take her for granted again.”
Nagpakawala muli si Dean ng suntok. Sa loob ng ilang sandali ay patuloy lang sila ni Adam sa
pakikipagpambuno sa isa’t isa. Marami nang mga gamit sa sala ang nabasag. At wala pa sana silang
balak na tumigil. Humihiyaw ang mga puso nila sa galit at hinanakit na kay tagal nang nakatago lang.
At dahil nakatago lang, sa halip na mabura iyon sa paglipas ng panahon ay lalo lang iyong
nadaragdagan.
Hindi pa sana sila hihinto kung hindi nila narinig ang pag-iyak ni Elijah. Saka lang natauhan si Dean.
Duguang nilapitan niya ang anak sa crib. Ilang sandali siyang napatitig sa sanggol bago nag-ulap ang
kanyang mga mata. Nakadama siya ng panliliit. Hayun siya at ganoon ang itsurang lumapit sa anak na
lalong lumakas ang pag-iyak nang makita siya na para bang natakot. At hindi niya ito masisisi.
Anong klase siyang ama at ganoon ang pinapamulat sa anak? Nanlalatang napaluhod si Dean sa tabi
ng crib. Mariing naipikit niya ang mga mata. Para lang mapamulat rin kaagad nang para bang may
malamig na hanging maramdaman sa paligid. Kakaiba ang lamig. May hatid iyong takot at panghihina
sa kanya. At sa kung anong biro ng tadhana, nang muling umiyak si Elijah, pakiramdam niya ay
naririnig niya sa isip niya ang iyak rin ng anak niyang si Shera.
Si Selena! Napatayo si Dean. Ano nang nangyayari sa kanyang mag-ina?
Puno ng tensyong humarap si Dean sa kapatid. Nahuli niya itong titig na titig sa kanyang anak. Lalapit
rin sana ito sa crib nang tumunog ang cell phone nito. Kumunot ang noo nito kasabay nang pagbaling
sa kanya. Sinagot nito ang tawag. “Yes, hello tito Zandro-“
Ilang sandali pa ay kitang-kita ni Dean ang pagkawala ng kulay sa mukha ni Adam. Dumulas sa kamay
nito ang hawak na cell phone.
“W-what happened?” Naaalarmang naitanong ni Dean.
“I… I w-was told that S-Selena was b-bumped by a car.” Para bang wala sa sariling wika ni Adam. “She
was r-rushed to the hospital and so was your d-daughter. But the c-child didn’t make it a-alive.”
Tinanggap ni Dean ang lahat ng mga masasamang pangyayari sa buhay niya. Dahil wala naman
siyang mapagpipilian. Namatay ang kanyang ina. Umalis ang kanyang tiyahin. Naiwan siya sa
madrasta na ipinalabas sa lahat na isa lang siyang ampon at araw-araw ay ipinamumukha nito iyon sa
kanya. Mayroon siyang ama na hanggang ngayon ay unconscious pa rin sa ospital. At mayroon siyang
kapatid… kapatid na sinadya siya ngayong araw para lang makapaghiganti sa kanya.
Naging masaya lang si Dean nang dumating si Selena. Nadagdagan pa iyon dahil sa kanilang mga
anak. For the first time in his life, he felt like he was truly blessed. Pero ngayon, naglaho na kahit ang
huling bakas nang pakiramdam niyang iyon.
Napatitig si Dean sa altar na ipinalagay ni Selena sa isang bahagi ng kanilang sala. Hindi Kita
kinuwestiyon ni minsan. Pero ngayon, hindi ko na mapigilan. Bakit? Bakit… Mo ginagawa sa akin
ito?