Chapter 2: Kabanata 1
Chapter 2: Kabanata 1
Kabanata 1:
The Start
_______
Clarity's Pov
"Hoy babae, ano ba? May masakit ba sayo?"
"Celine, nahihilo ako grabe."
"Ba't ka pa pumasok?! Hoy babae! Umuwi ka nalang muna at ako na ang bahala kay Sir. Migz dahil
nawala ka. Bilis."
"Salamat bes ah? Sige."
Inayos ko agad ang mga gamit ko at nagpaalam na rin kay Celine. Hindi ko alam kung bakit ang sakit
ng ulo ko tuwing sasapit ang alas-kwatro ng hapon. Nagpa-kunsulta na rin ako sa doctor pero wala
silang maisagot sa akin. Sakit ba ito? Sumpa or what?Nakakabagot!
Pumara agad ako nang taxi nang may makita ako. Tinignan ko rin ang cellphone ko at nakita kong may
text si Celine. Hindi naman daw nagalit si Sir. Migz. In fact, kung siya ang nasa kalagayan ni Celine
kanina ay hindi na 'yun mag-aatubili pang ihatid ako sa bahay namin.
Bakit? Isa kase siya sa mga manliligaw ko. Ayaw ko naman siyang paasahin kaya agad ko siyang
tinaboy pero sadyang may lahi siyang kakaiba dahil mapilit siya.
Hindi ko naman kayo masisisi, isa akong magandang babae. Sabi nang mga karamihan. Wala na
akong magulang. Namatay na sila.
Noong kapapanganak lang daw sa akin. Si Papa daw ay nasagasaan samantalang si Mama naman ay
namatay sa araw ng ipinanganak niya ako.
Minsan naiisip kong posible naman 'yon pero mas lamang sa isip ko ang imposible. Hays. Nababaliw
na naman ako. Pagka-uwi ko sa bahay namin ay sinalubong ako ni Blake, kapatid ko.
"Ate Clary!"
Sinalubong niya ako nang yakap kaya kinarga ko siya. Isa rin ito sa pinagtataka ko, sabi nila namatay
ang mga magulang ko nang ipinanganak ako diba? Pero, bakit ako may kapatid? Insane.
Wala, tinanggap ko nalang siya. Tinuring ko na parang kapatid ko talaga kahit sa sarili ko ay hindi ko
alam kung katotohanan o pawang kasinungalingan lamang.
"Ang baho mo na, baby Blake. Maligo ka muna."
Ito pa, baby Blake ang tawag ko sa kanya. Bakit? Kase 7 years old palang siya. Jeez. I'm 28 for
goodness sake. So? Noong 21 years old ako nag-anak ulit sila ni Mama at Papa? Ano 'yon?
"Ate Clary, ipinapabigay sayo nong mamang lalaki kanina. Buksan mo daw at itago."
Inabot ko sa kamay ni Blake ang isang kahon na kulay pula na may pula ring ribbon sa labas. Birthday
ko ba? Sa pagkakaalam ko kase ay sa susunod na buwan pa ang kaarawan ko. Weird.
To: My Beautiful Clary
Keep this gift and no matter what happens, don't throw this. We'll see each other soon.
-AK
Nawi-weirduhan rin ako sa lalaking nagpapadala sa akin nang mga regalo. Puro picture ko lang naman
kasama si Celine at si Blake. Stolenshots. Ayaw ba niyang mag-pakita sa akin? Soon? Kailan pa yung
soon na sinasabi niya? Kainis!
Pumasok nalang ako bahay namin na nirentahan namin last year. Simula nang lumipat kami dito ay
hindi na ako nagkaka-utang sa kahit na sino pang tao. Sila pa yung nangungutang sa akin.
Kapag may mangungutang sa akin, kakapain ko lang ang bulsa ko ay meron na agad perang nasa
kamay ko. Ang weird lang talaga.
Nilapag ko yung kahon sa lamesa at dumiretso sa kusina upang kunin ang gamot ko. Ininom ko na
agad 'yon at umakyat sa kwarto ko upang makapag-palit ng damit. Nag-suot lang ako nang black short
at white T-shirt tutal nasa bahay lang naman ako at wala namang taong bumibisita dito sa bahay namin
maliban lang kay Celine.
"Ate Clary, nagugutom na ako."
Napalingon ako kay Blake at nakita ko siyang nakatayo sa gilid ko. Paano 'to napunta dito? Hindi ko
naman narinig na bumukas ang pinto ng silid ko.
"Ahh. Wait lang Blake ahh. Bibili lang si ate ng meryenda."
Kinuha ko ang cardigan ko sa closet ko at sinuot na 'yon bago ko kunin ang wallet ko sa kama.
Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba na rin nang hagdan. Pasado alas-singko palang naman pero
ganun nalang ang pagtataka ko dahil sa madilim na kalangitan at malamig na temperatura. Hmm?
Summer ngayon pero bakit ganito ang panahon? Pabago-bago nalang.
"Ate Sally, pabili po nang 2 spaghetti at isang kamote."
'Yun na ang meryenda namin ni Blake. Isang spaghetti ang sa kanya at ganun rin sa akin pero may
kamote ako. Masarap kasing lagyan ng gatas yung kamote. Feel na feel kong kumain.
"Bayad ho."
Inabot ko yung bayad ko at umalis na rin pagka-bigay sa akin nang sukli ko.
Habang naglalakad ako pabalik sa bahay namin ay biglang umihip nang malakas yung hangin kaya
napakapit ako nang mahigpit sa suot kong cardigan.
Ang lamig naman.
"Ay palaka!"
Napatalon ako nang wala sa oras dahil may sanga nang puno na natapakan ko. Wala naman 'to dito
kanina sa pagkakaalam ko. Tss. Ewan, bahala na.
Naka-uwi naman ako nang buhay sa bahay namin. Pinaghain ko lang si Blake at sabay kaming
kumaing dalawa. Kahit dalawa lang kami ay hindi matago sa bahay na ito ang kasiyahan.
Tuwing wala naman ako dito ay ang Tita Mildred ko ang nag-aalaga kay Blake. Kapatid siya ni Mama.
Laking pasasalamat ko na rin dahil hindi sila humihingi nang kapalit kapag kailangan ko sila.
"Ate Clary, kilala mo ba siya?"
"Sino bebe?"
"Yung nagpapadala sa'yo nang mga regalo." Material © NôvelDrama.Org.
Napatigil ako sa pag-subo nang Kamote dahil sa tanong ni Blake. Kilala ko nga ba siya at sadyang
ayaw niya lang mag-pakita sa akin? Ano ang dahilan niya? Nililigawan ba niya ko?
Natigil ako sa pagmumuni nang may marinig akong katok mula sa pintuan namin. Tinignan ko ang
pinto namin at ganun rin ang ginawa ni Blake. Baka si Celine lang. Tumayo ako at pumunta sa pintuan.
Agad ko 'yong binuksan at tumambad sa akin si Tita Mildred na humahangos na pumasok pintuan
namin.
Taka kong siyang tinignan habang may hinahaluglog siya sa ilalim nang sofa namin. Ay jusko, walang
ipis diyan Tita.
"Tita, anong ginagawa niyo po dito?"
Tinignan ako ni Tita na para akong ulam na nakahain sa hapag. Eh? Dahan-dahan siyang lumapit sa
akin at biglang hinawakan ang braso ko.
"T-tita..."
"Clarity Fuentabella, nasaan ang librong nilagay ko sa kama mo nang nakaraan?"
Pinang-liitan ko nang mata si Tita dahil sa sinabi niya. Meron ba siyang nilagay na libro sa kama ko
nang nakaraan?
"Tita? Wala po akong natatandaang may nilagay kayo sa kama ko na libro."
Napahawak si Tita sa sentido niya at pabalik-balik na naglakad. Nakakahilo! Lumapit na rin sa tabi ko
si Blake at niyakap ang bewang ko.
"Ate? Anong nangyayari kay Tita?"
"Shhh. Hindi ko rin alam bebe."
Tumigil si Tita sa paglakad kaya napaayos kami ni Blake nang tayo. May problema ba? Anong meron
sa librong 'yon? Pwede namang bumili nalang nang bago diba?
"A-ate ano yan?"
"Alin bebe?"
"Bakit naging pula po ang buhok mo?"
Bigla akong napalingon sa buhok ko. Nakita kong naging kulay pula ang dulo. Hinawakan ko yon kaya
nagkaroon nang mantsa ang kamay ko. Anong nangyayari? Bakit ako may ganito?
Napalingon kaming dalawa ni Blake kay Tita nang bigla siyang mag-hysterical, "Diyos ko po! Clarity,
mag-ingat ka. Nagsisimula na sila."