Caught Between Goodbye And I Love You

Chapter 8



Chapter 8

"KUNG ako lang ang may-ari nitong bar, ipina-ban ko na ang Throne Madrigal na 'yon. He's a stress-

carrier!"

Under normal circumstances, Christmas would have laughed at the intensity in Dana's voice. Pero

masyado pa siyang nalulunod sa hapding nararamdaman para ngumiti man lang. Parang sirang

plakang paulit-ulit sa kanyang isip ang masasakit na salitang binitiwan ni Throne. Kaya lalong hindi

maampat ang kanyang pagluha.

Isa pa, naaawa rin siya sa sinapit ni Seth. Nahuli pa niya ang pagrehistro ng lungkot sa mga mata ng

lalaki bago siya hinila ni Throne palabas. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya ikinatuwa ang pagiging

possessive ng huli. Dahil hindi niya iyon matatawag na batayan para isiping may katugon din ang

nararamdaman niya para kay Throne bukod sa pinagdudahan pa siya ng binata.

Yes, that might prove that he had a thing for her but it wasn't enough to prove that it was love. Dahil

kung mahal siya ni Throne ay maiintindihan siya nito.

Napasulyap si Christmas sa hawak na cell phone. Just call, Throne, and explain. Susubukan kitang

intindihin... pangako. Pero lumipas ang ilang oras ay ni hindi man lang naisipang magdala ng text

message ng binata hanggang sa senyasan na sila ng female staff ng resto bar.

Mapait na ngumiti si Christmas. Ibinulsa niya na ang cell phone, inayos ang sarili at pinahid ang kahuli-

hulihang luhang pumatak sa kanyang pisngi pagkatapos ay sabay-sabay na silang lumabas ng

kanyang mga kagrupo mula sa backstage.

Pinilit niyang ngumiti nang marinig ang masigabong palakpakan na kaagad na isinalubong sa kanila ng

mga customers. Kasabay ng pag-alingawngaw ng tunog ng piano ni Kylie ay ang pagsisimula ng

unang requested song sa kanila nang gabing iyon.

Mariing ipinikit ni Christmas ang kanyang mga mata. Hindi niya sineryoso ang kanta nang mag-practice

sila kanila pero hindi niya inakalang iyon pa pala ang magiging theme song ng kanyang puso para sa

gabing iyon.

"It's not easy letting go. Time just seem to run so slow. Every night just seem to last forever. It's not

easy letting go, not when hearts are saying no. Can't we talk it out 'cause it's not easy letting go..."

Kasabay ng pagtulo ng mga luhang hindi niya napigilang pumatak ay ang pagsagi sa kanyang alaala

ng napag-usapan nila ni Throne nang nagdaang araw.

"Tell me something about yourself, Chris," out of the blue ay sinabi ni Throne habang pinapanood nila

ang paglubog ng araw sa Manila Bay.

Noong una ay tinawanan lang siya ni Throne nang sabihin niyang gusto niyang pumunta roon pero sa

huli ay pinagbigyan din siya ng binata.

Napangiti si Christmas. "Ano pa ba'ng maikukwento ko? Parang lahat na yata, nasabi ko na sa 'yo."

"What about your dreams? Or your plans years from now?"

"Teka... ano nga ba?" Sandali siyang napaisip bago pumitik sa ere. "Ah, alam ko na! Simple lang

naman ang pangarap ko, eh. I just want to be married to the man I love. To build a family with him and

hopefully..." Masuyo niyang tinitigan ang binata na kasalukuyan pa ring tutok na tutok ang atensiyon sa

paglubog ng araw. "And hopefully... grow old with him."

"Love... alam mo bang madalas ko 'yang naririnig sa mga babae?" Nilingon siya ni Throne. Hindi

nakaligtas sa kanya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ng binata. "Pero wala pa rin akong kaide-

ideya sa bagay na 'yan hanggang ngayon. Will you tell me something about love? I don't want to

Google it."

Nabura ang ngiti ni Christmas. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang hanapin ang mga magulang

ni Throne at ipamukha ang sinapit ng binata dahil sa kapabayaan ng mga ito.

"Throne..."

"Don't look at me like that." Naglihis ng tingin ang binata. "I know it's a major turnoff not to know

something about love. Pero ayoko namang magmarunong." Nagkibit-balikat si Throne. "I never had a

happy childhood, you know. Aksidenteng nabuntis lang ni Papa si Mama nang minsang malasing sila

kaya sila nagpakasal. That's why I never felt the love you've been talking about. All I can remember is

how they quarreled every freaking day of my life until they finally separated.

"You see, I was my mother's greatest regret. Bar girl siya noon at ang akala niya, aasenso siya kay

Papa kaya hinayaan niya ang sariling mabuntis. Pero nagkamali siya ng research. Because Lolo

disinherited my father a long time ago. Mas pinili pa kasi ni Papa ang pagpipinta kaysa ang

pamahalaan ang lending company." Throne breathed heavily. "He was just a struggling painter at that

time. Palaging iginigiit ni Mama na bumalik na si papa kay Lolo at baka sakaling tanggapin pa siya.

Hanggang sa dumating si Cassandra. Pero wala pa ring nagbago. Sa pagyaman pa rin nag-focus si

Mama. And then she grew tired waiting and Dad grew tired of everything. Naghiwalay sila nang hindi

man lang iniisip kung ano ang mangyayari sa amin ni Cassandra."

Throne's expression hardened. "Fortunately, Lolo volunteered to keep me and my sister. Pero hindi

niya kami minahal. Ginawa niya kaming alila sa bahay niya. He was cold and distant. Ang konsolasyon

na lang namin, pinag-aral niya kami sa public school even though he was a millionaire. Then he died

and I got the surprise of my life when he left me the company. Sabagay, wala naman siyang choice. I'm

his only grandson," mapaklang wika ng binata bago muling humarap sa kanya.

"I don't have the best role model when it comes to love, Chris. Hindi ko alam ang salitang pagmamahal

dahil unang-una, hindi ko naman naranasan ang mahalin. Hell, I don't even know why I'm telling you

this but-"

"Tama na." Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ni Christmas. "Love is a lot to explain, Throne. Text © by N0ve/lDrama.Org.

Let me just summarize it the easiest way I know how," magiliw niyang sinabi pagkatapos ay tinakpan

ang bibig ni Throne ng sariling mga labi para hindi na magsalita pa ang binata.

It broke her heart to hear him say those things. Habang binibigyan siya ni Throne ng pasilip sa naging

nakaraan nito ay hindi niya maiwasang masaktan sa sinapit ng binata. Kinabig siya nito sa batok at

tinugon ang kanyang halik sa kaparehong intensidad.

Hindi alam ni Christmas kung paanong nangyari pero naramdaman niya ang lahat ng itinatagong sakit

ni Throne sa simpleng paghalik lang. And suddenly it was clear to her. He did not mention it but all

these years... it seemed that all he just wanted was a place he could call his. A home...

Biglang iminulat ni Christmas ang mga mata kasabay ng paghinto sa pagkanta. Nakalimutan niya.

Hindi nga pala expressive na tao si Throne. He was like a wounded soul hiding inside a wild beast. He

didn't have any choice but to become a beast because circumstances turned him into one.

Paano pala kung pareho lang sila ng nararamdaman at naguguluhan lang si Throne dahil naninibago

ito? Paano pala kung ang kailangan na lang niyang gawin ay ipa-realize iyon sa binata? He had been

bitter all his life, how could he know it was love once he felt it? Oh, God.

"I'm so sorry, people," ani Christmas sa mga taong nagsisimula nang magbulungan nang mga

sandaling iyon. "Pero nagmamahal po kasi ako at sa tingin ko, may pag-asa rin po ako sa taong 'yon

kahit paano. And I need to go and find him now for him to realize that." Humihingi ng pang-unawang

napatingin siya sa mga kabanda bago nagmamadaling bumaba ng stage.

"Chris!" Napalingon siya sa narinig na paghabol ni Dana. "Gano'n na lang ba 'yon? Pagkatapos ng-"

Napahugot siya ng malalim na hininga. "Ang totoo niyan... nasasaktan pa rin ako. Paglabas ko ng

pintong 'yan," tinuro niya ang exit. "Hindi ko alam kung ano'ng naghihintay sa akin. Either I find him or...

he finds me. Pwede ring lalong lumabo ang lahat, ewan. Hindi talaga ako sigurado." Nagkibit-balikat

siya. "But I know one thing. Love forgives, Dana." Kumaway siya sa kinakapatid at tuluyan nang

lumabas ng pinto pero bago iyon ay napangiti pa siya sa narinig na pagtsi-cheer sa kanya ng mga tao.

Magdilang-anghel sana kayong lahat.

"Humanda ka, Rodrigo. We'll go Throne-hunting," kaagad na bungad ni Christmas sa kanyang

bodyguard pagdating niya sa parking lot.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.