Chapter 9.2
Lumingon ako kina Laren to ask for their help, and they immediately come near to guide me.
"Ayos ka lang ba?" It was Laren who asked.
I slowly nodded my head and stepped back. Nang yumuko ako ay nakita ko ang nanginginig kong kamay. I shake my hands to get back on track, but no used. Dang it, not now please. Napatukod ako sa hamba ng lamesa at mahigpit na hinawakan iyong bilang suporta. Nahihilo ako at unti-unting hindi nagiging normal ang paningin ko.
"Celestia, ayos kalang ba? Uminom ka muna ng tubig," Maria handed me a glass of water which I immediately drank.
Nang hagurin ni Laren ang likod ko ay napansin niyang basang-basa iyon. I'm sweating so bad. In my peripheral vision, I saw her getting a new handkerchief and wiped my sweating back. Pina-upo muna nila ako at pinagpahinga. What suddenly happened to me?
"Oh," inabutan ako ni Marissa ng isang paper bag. "Kumain ka muna, alam kong sumama ang pakiramdam mo dahil nalipasan ka ng gutom. And let me guess, hindi ka sanay sa mga ganitong gawain no?" Being embarrassed, I nodded. Unang araw ko palang sa trabaho ay inaabala ko pa sila.
"Magpahinga ka muna diyan, Celestia," tumango ako at nakinig. Sinimulan ko na rin kainin ang binigay sa akin ni Laren. Umiikot pa rin ang paningin ko at pinagpapawisan ng sobra.
"Ate Alma, Tignan mo daliii! Si Mr. Patterson oh! paparating na rito!" nagkukumahog silang lumapit sa maliit na siwang sa harapan. I could also hear the murmuring too, but didn't bother to peak because of my state. "Oh may ghad! yung script niyo ha, ayusin niyo, walang lalandi kay Mr. Patterson pero ako lang dapat!" sambit ni ate Alma habang inaayos ang sarili.
"Wag ka 'ring malandi, ate Alma! sharing is caring tayo dito."
Napapantastikuhan ko silang tinignan habang nag-aagawan ng pwesto para makita si Mr. Patterson. I tried to peak pero napapalibutan nilang tatlo ang harapan.
"Hi Mr. Patterson! Ano po yung gusto niyo? Tinapay o ako?" napaawang bibig ko sa sinabi ni ate Alma.
"Ate Alma, umayos ka kung ayaw mong matanggal yung dalawang kilay mo," bulong ni Marissa na nagpalingon kay ate Alma.
Ate Alma gritted her teeth and looked at Marissa sharply, "anong sabi mo?"
"H-Ha?" maang na tanong ni Marissa. "Ang sabi ko matanggalan ng trabaho. Focus ka kasi kay Mr. Patterson 'e, kaya ayan tuloy!"
I shook my head in amusement. Kumindat sa akin si Marissa at binalik ang atensyon sa sinasabi nilang Mr. Patterson. They surely like him that much.
After I recovered, kaagad akong bumalik sa trabaho hanggang sa papalubog na ang araw.
"Oi, Celestia! May malapit na kainan rito sa bayan. Sikat daw at maraming pumupunta 'run. Gusto mong sumama?" pag-aaya ni Marissa sa'kin.
I was busy putting my things in my bag. Kaagad kong sinukbit iyon at sabay kaming lumabas.
Umiling ako.
"Hindi na muna sa ngayon, Marissa. Sa susunod nalang." I'm not really in the mood to go out. Gusto ko munang magpahinga sa bahay after a long day of work.
"Oh mga ineng! Kay gagandang mga dilag. Oh, may bago palang trabahador si Tasia?" lumingon siya sa'kin at ngumiti.
"Magandang hapon sa inyo, Mang Rene! Naks saganang-sagana tayo sa inuman ngayon ah?" gatong ni Marissa nang makita ang matandang lalaki.
"Ay naku! Napayagan lang talaga ng maganda kong misis. Ano nga pala ang pangalan mo hija?"
"Celestia po, Mang Rene."
"Napakagandang bata--- kaygandang dilag. Alam mo ba na ang ibig sabihin ng pangalan mo ay galing sa salitang 'makalangit' o 'ulap'? Isa iyan sa mga magagandang mailalarawan sa Punto Sierra. Ako rin ay nakakatiyak na sa lugar na ito mo makikita ang lalaking para sa iyo."noveldrama
"Imposibleng mangyari pa iyon, Mang Rene." I am tied to someone whom I didn't even know.
"Aba'y bakit hindi? Sa ilalim ng paglubog ng araw ay mag-aaminan ang pag-ibig na wagas na hindi kailan mapupugto ng kung anumang mga balakid."
"Ikaw talaga Mang Rene! Huwag mo nga idadamay si Celestia riyan sa mga words of love mo. Pasensya kana Celestia ah, pinaglihi ata si Mang Rene kay Pilosopo Tasyo ng Noli Me Tangere."
A gentle smile escaped from my lips. "It's okay. I also want to hear from Mang Rene."
"O siya! Humayo na kayo mga magandang dilag basta tandaan niyo ang sinabi ko. Huwag kalimutan gamitin ang puso at utak."
"Noted, Mang Rene! Oi Laren at Celestia, tignan niyo yung sunset oh!"
Tumalikod ako upang tignan ang tinuro ni Marissa. The orange teal sunset invaded the vast skies. Kahit ang mga vendors na naroon ay napalingon sa tinuro ni Marissa.
"Oh kunan ko kayo ng litratong tatlo mga ineng! Mas magandang may babauning alaala sa magandang pangyayari na ito." Pagprepresenta ni Mang Rene kaya kanya-kanya kaming kuha ng mga cellphone namin at binigay iyon sa kanya. "O, one, two, three, say cheese!" I'm in the middle of the three. Naka-peace sign ako habang nakayakap naman sa bewang ko si Laren. Habang si Melissa naman ay idinipa ang dalawang kamay at malaki ang ngisi. We didn't just take one picture, but lots of 'em. Sinali pa nila Marissa si Mang Rene at kumuha kami ng litrato lahat.
This moment is ethereal that I actually want to keep hold of this forever.
What do you think?
Total Responses: 0
If You Can Read This Book Lovers Novel Reading
Price: $43.99
Buy NowReading Cat Funny Book & Tea Lover
Price: $21.99
Buy NowCareful Or You'll End Up In My Novel T Shirt Novelty
Price: $39.99
Buy NowIt's A Good Day To Read A Book
Price: $21.99
Buy Now