Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 85



Kabanata 85

Nang makita ni Meredith si Jeremy at Madeline na magkasamang pumasok, galit na galit siya na

nakatikom na ang kanyang mga kamao. May poot sa kanyang mga mata pero wala siyang magawa

dito.

Subalit nang makita niya si Felipe, gulat na gulat siya!

Ang lalaking ito ang tito ni Jeremy!

Nakaramdam siya ng labis na pagkabahala. Hindi niya inasahan na ang tito ni Jeremy ang

magtatanggol kay Madeline noong raw na iyon.

Atsaka, binigyan pa siya ng lalaking ito ng sulat mula sa isang abogado para kasuhan siya!

Kabado siyang tumingin kay Felipe. Tumayo siya sa isang tabi at nagpanggap na walang nangyari.

Nakita din ni Felipe si Meredith. Kalmado niyang inialis ang kantang tingin.

Hinili ni Jeremy si Madeline sa tabi nito. Sa kabilang banda, umupo si Meredith sa kabilang tabi ni

Jeremy. Sa sandaling umupo siya, nagsalin siya ng wine at kumuha ng pagkain para kay Jeremy na

parang isang perpektong asawa.

Pakiramdam ni Madeline na masakit siya sa mata. Lahat ng klaseng pagkain ay nasa hapag ngunit

wala siyang ganang kumain. Atsaka, dahil sa kanyang kalusugan, puro matabang lang ang pwede

niyang kainin.

"Ito ang pinakamagandang putahe ng nanay ko. Heto, subukan mo." Biglang naglagay ng curry si

Jeremy sa kanyang mangkok.

Alam ni Madeline na nagpapanggap lamang ito nang gawin niya ang kagandahang-loob na ito. Gusto

niyang makisama ngunit di siya hahayaan ng katawan niyang kumain ng ganito kaanghang na

pagkain. Atsaka, di rin siya mahilig sa curry.

"Salamat darling, pero hindi ko ito gusto."

Nanlumo ang mukha ni Jeremy nang tanggihan ito ni Madeline.

"Maddie, si Mrs. Whitman ang nagluto nito. Bakit di mo siya suportahan kahit paano? Atsaka, hilig mo

ang curry, kaya bakit ka nagsisinungaling?" Inosenteng sinabi ni Meredith.

Gustong matawa ni Madeline. Kailan pa niya simulang nagustuhan ang curry?

Sa kabilang banda, dumilim nang sobra ang mukha ni Mrs. Whitman. "Bahala ka. Tingin mo ba gusto

kong kinakain ko ang luto ko?"

"Madeline." Naiinis na tumingin sa kanya si Jeremy. "Kakain ka ba o hindi?"

Pinipilit siya nito at si Meredith ay palihim na nakangisi.

Hinawakan ni Madeline ang kanyang kutsara. Hindi niya alam kung paano niya ito gagawin.

Hindi niya talaga uto gusto, atsaka hindi niya talaga ito pwedeng kainin.

"Pagod si Maddie mula sa trabaho at hindi siya kumainasyado nitont tanghali kaya hindi siya pwedeng

kumain ng ganito kaanghang. Mabuti pa kung kakain siya ng matabang." Saktong napadali ni Felipe

ang mga bagay. Pagkatapos, kumuha siya ng gulay para kay Madeline. "Kainin mo ito."

Nabigla si Madeline, pero pinasalamatan niya ito. "Salamat, tito."

Galit na si Jeremy nang piliin ni Felipe na umupo sa tabi ni Madeline.

Ngayon, nang makita niya si Felipe na kumukuha ng pagkain para kay Madeline, isang madilim na alon

ang nagsimulang bumagsak sa kanyang mata.

"Tingin mo ba tama na kumuha ka ng pagkain para sa asawa ko, tito?" Naiinis na tanong ni Jeremy.

Pagkatapos, malagim siyang tumitig kay Madeline. "Alam mo dapat kung ano ang dapat mong kainin."

Biglang naramdaman ni Madeline na sumakit ang ulo niya. Kailan pa siya nawalan ng kalayaang piliin

ang kakainin niya?

Para di na madamay dito si Felipe, inilagay niya ang curry sa bibig niya.

Naglakbay ang anghang ng curry mula sa kanyang bibig papunta sa kanyang sikmura. Sumama ang

pakiramdam ni Madeline dahil sa init nito sa pakiramdam.

Walang magawa si Madeline kundi ubusin ang pagkain niya. Pagkatapos naramdaman niya na

kumukulo ang sikmura niya habang nasusunog ito.

Sinadya pa ni Meredith na dagdagan pa siya ng curry. "Maddie, dapat mong kainin ang curry habang This material belongs to NôvelDrama.Org.

mainit pa ito. Nagbabagang curry ang pinakaesensya nh putaheng ito. Huwag mong sayangin ang

paghihirap ni Mrs. Whitman."

Masama na ang pakiramdam ni Madeline. Pumapatak na din ang malamig na pawis sa noo niya. Sa

sandaling ito, nagpumilit si Jeremy, "Bakit di ka pa kumakain?"

"Sa tingin ko hindi kaya ni Maddie ang anghang." Nakikita ni Felipe na may dinaramdam si Madeline.

Subalit tumawa si Jeremy. Tinignan niya si Madeline. "Di mo kaya ang anghang? Diba tuwang tuwa ka

nga na kumain ng taco kasama si Daniel nung nakaraan?"

Alam ni Madeline ang nangyari noon. Nalungkot siya nang maalala niya ang nangyari.

Wala siyang magawa kundi damputin ang mangkok. Subalit, bago pa siya makahigop nang marami,

nakaramdam siya ng matinding reaksyon sa kanyang sikmura. Pagkatapos, naramdaman niyang

umiinit ang kanyang lalamunan bago siya sumuka ng dugo kasama ng curry.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.