Kabanata 56
Kabanata 56
Napakahigpit ng hawak sa kanya ni Jeremy, at sa kabila ng pagpupumiglas ni Madeline para
makatakas, napilit pa rin siyang ipasok sa kotse.
Hindi alam ni Madeline kung kailan tumigil ito na isiping madudumihan niya ang kotse nito. Pinapaupo
na siya nito sa pampsaherong upuan ngayon.
Biglang dumilim ang langit. Sandali lang, sinundan ito ng malakas na hangit at ulan.
Nagsimulang magbago ang timpla ni Madeline. Tuwing umuulan nang malakas, naaalala niya ang
gabing nanganak siya.
Sa masikip na karwahe, lalong lumaki ang takot sa kanyang puso. Ayaw niyang balikan ang madilim na
gabing iyon, ang madugong gabi na naglayo sa kanila ng anak niya.
"Jeremy saan mo ako dadalhin? Balak mo ba akong patayin dahil tumanggi akong hiwalayan ka? Di
kita hahayaang magtagumpay ulit!" Nawalan na ng kontrol si Madeline sa kanyang emosyon at
sinubukan pang buksan ang pintuan ng kotse.
Hindi pa siya pwedeng mamatay. Hindi pa niya naiipaghiganti ang kanyang anak!
Mabilis na isinara ni Jeremy ang pinto at inapakan ang preno.
"Madeline, nababaliw ka na ba?" Kumunot ang kanyang kilay at hinila si Madeline papalapit sa kanya.
Nabalot ng lamig ang gwapo niyang mukha.
Nanlilisik na tumitig sa kanya si Madeline. "Oo, baliw ako. Matagal na akong baliw! Kung hindi, paano
ako mahuhulog sa isang basurang kayang patayin ang sarili niyang anak na tulad mo?"
Nagngitngitan ang kanyang mga ngipin. Nang sabihin niya ito, labis ang sakit sa kanyang puso.
Gaano kawalang-puso ang isang tao para magawa ang karumal-dumal na bagay na ito?
Ngunit ginawa niya ito.
Naluluhang tumingin si Jeremy kay Madeline, at sa isang sandali, natulala siya.
Matapos ang isang sandali, bumalik ang kanyang ulirat. Tumitig siya sa mukha ni Madeline. "Talaga
bang buntis ka noong nakaraang tatlong taon?"
"Tch." Kumutya si Madeline at tumawa na parang nakarinig siya ng isang malaking biro.
Tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. Pagkalipas ng ilang segundo, sarkastiko siyang ngumiti.
"Mr. Whitman, napakaulyanin mo. Kung di mo naaalala, ipapaalala ko uli sa iyo. Noong una,
siguradong-sigurado kang tinulak ko si Meredith kaya siya nakunan. Anong sinabi mo sa akin sa
meeting room noong hawak ko ang pantalon mo at nagmamakaawa?"
Nagtagpo ang luhaang mata ni Madeline at ang walang buhay na mata ni Jeremy.
"Sinipa mo ako palayo at sinabi sa akin, 'Edi dapat mong ilibing ang bastardong bata sa tiyan mo
kasama ng anak ni Meredith'."
Inulit niya ang sinabi nito noon.
Lumiit ang balintanaw ni Jeremy. Gulat na gulat siya nang makita niya ang mukha ni Madeline na
natatawa at luhaan.
"Jeremy, ginawa mo yun. Inilibing mo ang anak natin kasama ang bastardong anak ni Meredith na
nabuo niya kasama ang iba.
"Kailanman ba naisip mo na kahit na napakadumi ko para sa iyo, inosente pa rin ang bata? Sariling
dugo at laman mo yun!"
Tuluyan nang nagwawala si Madeline. Maingay siyang sumigaw sa lalaking ito, bawat salita ay
tumatagos sa kanyang laman at buto.
"Jeremy, di pa ba yun sapat na parusa? Kung ganon, paano naman ang mga ito?"
Nang magsalita si Madeline, hinubad niya ang kanyang coat at nagsimulang hubarin isa-isa ang
kanyang damit sa harap nito.
Ipinakita niya ang pinakanakakaawang sarili niya sa harapan nito.
Kahit na di tinignan ni Jeremy si Madeline tuwing pinapahirapan niya ito, naaalala niya na ang balat
nito ay maganda, malambot, at makinis. Halos walang mali o diprensya sa kanyang katawan.
Subalit, madidilim na marka ang nakabalot sa buong katawan niya na nagpapaliwanag ng malalang
pambubugbog at pagdurusang dinanas niya.
Biglang naramdaman ni Jeremy na may pumuputok na ugat sa kanyang sintido, at kumunot nang
malalim ang mga kilay niya.
Matindi siyang tumitig kay Madeline. Paglatapos, dahan-dahan niyang niluwagan ang kamay niyang
mahigpit na hawak ang balikat ni Madeline.ConTEent bel0ngs to Nôv(e)lD/rama(.)Org .